So bago ko simulan yung isang mahabang blog post na ito, aaminin ko na hanggang ngayon, hindi pa rin ako successful na kalimutan yung mahabang panahon na naging kami. Sadyang may mga bagay na nagpapaalala sa akin sa ex ko. Syempre, hindi naman madali ang lahat. Hindi naman dapat madaliin ang lahat, diba?
Bakit ba kasi mas pinili kong tapusin na kung ano mang meron kami noon? Hindi ko naman sinasabi na biglang puslit lang ng ideya na ito sa utak ko at naisip kong, “Parang ayoko na.” pero kung minsan, baka nga. Ewan ko, actually, hanggang ngayon nga iniisip ko pa rin kung bakit. Para sa’kin, sobrang hirap niyang isipin kung bakit nga ba ako nakipag break o bakit ba biglang gusto kong makipag break sa lalaking naging boyfriend ko sa loob ng halos 7 taon. Well, kung tutuusin, habang sinusulat ko ito ngayon, ngayon ko lang talaga siya ulit binibigyang pansin sa utak ko kasi sobrang nakakastress kapag iniisip ko ‘to lalo na kung kasabay nito ang paperworks ko, final exams, at kung ano ano pang mga pang akademikong requirements.
So ngayon, habang iniisip ko kung paano nga ba ito nagsimula, sa palagay ko talaga nagsimula ito nung mga panahon na kapwa naming ine-explore ang isa’t isa (iiwan ko na sa mga imahinasyon niyo kung ano man ang ibig sabihin nito na malamang ay mabibigyang linaw din maya maya habang maglalabas ako ng ibang mga detalye). Sa mga panahon naman na iyon ay alam ko, at ramdam ko, na mahal na mahal ko siya kaya nga, nangyari iyon. Sa totoo lang, masaya akong siya ang nauna. Nirerespeto naman niya ako. Masaya, oo, sa akto na ganun at kung ano man iyon malamang ay alam niyo na. Pero yung pagkatapos, kadalasan, may nararamdaman ako na hindi ko inaasahan at hinanap hanap ko sa mga panahong inulit namin ang ganoong bagay.
Marahil ay kasalanan ko ito, at sa tingin ko ay ako nga ang dahilan ng mga susunod ko pang ibabahagi sa post na ito.
Pagkatapos ng kung ano man ang sinabi ko kanina, madalas ay hindi ko nakikitang masaya siya. Hindi ko alam kung sadyang hindi ba niya ako nagustuhan. Lagi siyang nakasimangot na sa pakiramdam ko ay hindi siya nag-enjoy. Kaya lagi ko siyang tinatanong, “Okay ka lang ba?” o kaya naman “Bakit ang lungkot mo?” pero sumasagot naman siya “Hindi a, ang saya ko nga eh.” ngingiti ng sandali tapos, wala na naman.
Yung insecurity na hindi ko kayang pasayahin yung taong mahal ko yung nagbigay ng daan para maging cold ako sa kanya. Sinubukan kong ipakilala siya sa mga kaibigan ko para at least maging close man lang sila (alam mo yun, yung typical bf/gf na close sa friends) pero sisimangot siya at ipipilit ilayo ang sarili niya sa kanila tapos irarason na “Masyado silang mataas” , “Hindi ko gusto ang pakiramdam dito.” Given that, wala namang ginagawa ang mga tao na ‘yon sa kanya.
Lagi siyang galit o di kaya’y sisimangot kapag nagsasabi ako ng mga pangarap ko sa buhay, tapos biglang hindi na siya magsasalita, biglang awkward silence, biglang patay yung oras. Magsasalita lang siya ulit kapag hindi na ako kumikibo, kapag nawalan na ako ng ganang makipag usap. Eh hindi ko naman alam kasi kung may masama ba akong nasabi, basta lang nanahimik siya tapos ako, parang tanga lang na nagtatanong kung anong nangyari, hindi din siya sasagot.
Feeling ko, napagod ako sa ganun. Feeling ko, nababawasan yung pagmamahal ko sa kanya sa bawat simangot na sinasalubong niya sa akin. Madalas kapag magkasama kami tinatanong ko siya, “Bakit ang lungkot mo?” tapos sasabihin niya, “Hindi a.” pero hindi man lang siya ngumingiti o nagkekwento ng mga bagay na kung ano ano. Dati naman, nagkekwento siya, dati naman ngumingiti siya. Ewan ko, feeling ko, nagsimula sa araw na binigay ko yung sarili ko sa kanya ang lahat ng bagay na ito. Feeling ko nung araw na ginawa namin yun, nadala ng hangin yung mga ngiti niya. Natangay din pati yung dating sigla, yung dating lambing na hindi lang sa text lumalabas. Ang nangyari kasi pagkatapos nun, hanggang text na lang lahat ng mga paglalambing niya. Tapos naging patay kapag magkasama na.
So ayun, eto na ‘yon. Napagod ako na ako yung laging lively, napagod ako na ako yung laging nagkekwento, napagod ako na ako yung nag-aadjust palagi. Mahirap. Mahirap din pala. Nakakapagod din palang may effort siyang ramdam mo lang kapag kausap mo siya sa phone, sa personal wala. Kaya ayoko siya makita dahil hindi ko alam kung ano pang pag uusapan namin. Hindi naman siya magkekwento ng buhay niya so ako lang. Pagod na akong makita yung simangot niya kahit sabihin niyang “Hindi, masaya ako, hindi mo lang alam.” Eh yun nga yun eh. HINDI KO ALAM.
So dahilan ‘yan kung bakit ako nakipagbreak. Yung dreams ko, sumunod na lang, parang pantakip para hindi siya masaktan na hindi na talaga ako masaya sa relationship namin. Ayoko din naman kasing saktan siya ng husto. Syempre, hindi ko naman aaminin sa kanya na “Alam mo, hindi na ako masaya sa’yo.” sobrang gago nun. Kaya nga nung araw na tinanong niya ako na “Are you still happy with me?” laging sagot ko, “Oo. Okay naman.” pero nung sinabi niyang sabihin ko yung totoo, sobrang pinag isipan ko muna bago ko i-send ang message na “Not like before.” (o kung ano pa man yung sinend ko na hindi ko na maalala)
Nang makita yun ng friend ko, sabi niya sa’kin:
Friend: Alam mo *myname*, tatanungin na kita ha? Mahal mo ba siya?
Ako: Oo. Ramdam ko naman na mahal ko siya eh.
Friend: Eh masaya ka ba?
Ako: *umiling* Hindi ko alam.
Friend: O tignan mo. That relationship is choking you so much. Kung ako sa’yo, i-let go mo na ‘yan kasi pareho kayong mahihirapan. Mahihirapan siyang alamin kung bakit ka nagiging cold sa kanya, nahihirapan kang makisama kasi hindi ka masaya. Let it go *myname*.
Ako: Pero ang tagal na namin.
Friend: Wag mo panghinayangan yan. Yang tagal na ‘yan, numero lang ‘yan. Kung hindi na, edi hindi na.
Ako: eh mahal ko siya, mahal niya ako.
Friend: Eh diba nga hindi ka na masaya? Love doesn’t just continue in a relationship *myname*. Love, sometimes, be better continued in friends, in letting go and moving on. ‘Wag mo siyang lokohing masaya ka pa. Later on, mas masasaktan siya kung patatagalin mo kesa kung umalis ka ng mas maaga pa. ‘Wag kang manloko ng tao *myname*. Don’t do that to the person. Never ever do that.
And that’s what I did. Nakipagbreak ako kasi ayokong mas masaktan pa siya. Ayokong lokohin siya. Ayokong sabihin na masaya ako kung hindi naman pala.
Isa lang ang alam ko, mahal ko siya dahil hindi ko isusulat ang blog na ito kung hindi ko na siya inaalala. Pero nararamdaman ko na habang tumatagal, nawawala na rin ito. Kasabay ng unti unting pagkawala nito ay ang paglaho na rin ng mga ngiti na noon ay minahal ko, mga kwento na noon ay tinatawanan ko.
Natira na lang ay yung mga salitang
“Kasi wala na akong maintindihan sa mga sinasabi mo, hindi ko maisip kung bakit mo kailangang gawin lahat ng ‘to, nagagawa mo kong tiisin ng ganito. Hindi mo pa ba nakuha ‘yung biglang pagbabago na gusto mong mangyari? Sobra sobra na ‘tong ginagawa mo, sobra mo na akong sinasaktan sa mga ginagawa mo, tapos sasabihin mo ayaw mo’ko masaktan? Pero ‘di mo alam na sa mga ginagawa mo sobra mo na akong nasasaktan.”
Hindi ito yung “biglang mangyari” na hinihintay ko. Akala ko kasi babalik yung mga ngiti mo na naging dahilan kung bakit minahal kita. Hindi ito. Hindi ganito. Ngayon, hindi ko alam kung hinihintay ko pa ba itong mangyari o hinihintay ko na lang mawala lahat ng alaala ng “tayo” sa akin. Obvious naman diba? hindi ako magsusulat ng ganito kahaba para sabihin sa’yong nakalimutan na kita.
Ito na. Nasabi ko na, malinaw.
Paalam.
Still not moved on to what happened last Feb. 18. Hay.
Feb 18 was a big disaster for me and for him as well. It was not just a simple quarrel but I think that was an emotional war. We were looking at the same thing at different perspectives, different views. When I think about it, I knew it was a very big misunderstanding.
He, thinking that I am too selfish for having a dream that does not include him; and, I, setting priorities for my family and for myself in the near future.
He always argues about why would I not let him join the journey towards my dreams. My reason is simple: I want things on MY own pace, MY own rules, MY own strategies and MY own hardship. It is not that I am being selfish. But as a dreamer, it is a shame to me to reach my dream with the help of someone who does not wish to have the same dream. He doesn’t dream to own a building, but I do. He doesn’t dream big, I do. He doesn’t want to take risks, I do. Because of this, I don’t want to force him to love the same dream just because I love it.
It is not that I do not want him around. It is just because he discourages me from doing the things that I want. He tells me to dream small and stay in my safe zone. But I am certainly not that kind of person. I dream big because that was what I was trained to do. That was my vision even before I met him. That was my long time dream. And now that I am one step closer to it, I won’t let him stop me.
The thing is, I do not feel that he supports what I do. He wants me safe, yes. But being that safe enough would not let me go anywhere. I want to discover my capabilities, my limits and I want to make my family proud of me.
This is not just for me. I regard my family to this. I owe them a lot, especially my parents. They were the ones who raised me. They were the ones who supported me until I reach wherever I am now. I owe it to them. Being successful is not just a big dream for my own desire or playtime, it is for my family as well.
That is what he CANNOT see. I am studying hard to get closer to these dreams but he’s there telling me, “Don’t dream too big because you might fail. Dream small then achieve it.” I am not afraid to fail because that is when I learn more. Why would I dream small if I could grab a bigger opportunity for my big dreams?
He also restricts me to what I want to do. He wants to know everything that I do even the smallest details of my day. He calls me from time to time then suspects whatever things he has in his mind. He doesn’t believe that I am doing this for my future. What he believes in is that I have someone to replace him. He believes that I am getting rid of him because I do not love him anymore. He wants no explanations. He sets his rules at me indirectly and THESE all suffocates me.
I feel like I am chained to him and I can’t move without him knowing. And if he caught me breathing out from that chain, he’ll suspect that I’ll run away or worse, I’ll be with someone else.
He frustrates me in every day.
I know I am changing. Of course everyone changes. But I am setting my priorities. He’s not the only person in my life. My family is more important. These dreams are for them because they paid my tuition fee, they made sure that I stay safe every day, they supported me on whatever track I want to take and they are there to aid my needs.
But him? He also changed. He’s not that inspiring anymore. He used to dream before. He used to inspire me. He was the one who told me not to give up on those dreams – before. He told me we’ll build those (my) dreams together – before. But now? He’s telling me to slow down. To let go of those dreams because he thinks I cannot achieve them. Now? He’s telling me that my dreams are impossible – too risky, too high. He’s telling me what to do – to dream small. I WANT THINGS MY OWN WAY, MY OWN RULES, MY OWN PACE because that is MY DREAM, not his. To add, I am NOT him.
We are different. I do not think the same way as he is. So I won’t let him pull me down. I am aiming high.
The almost 7 years of relationship does not just include him. There are other people who helped in maintaining that relationship. We broke up four times. His ex-es are there, his and my friends are there. They all contribute to those years. Without them, I don’t think we’ll last that long.
Then now, he’s there cursing at me telling that all I do is to ruin our relationship. Because of my big dreams, he’s cursing me for not regarding him as well. I spent almost 7 years of my life with him, I think it is now time to give time for myself too. Give myself room to grow.
He’s cursing me for hurting him where in fact, I told him beforehand that I might hurt him for my decisions so I must leave but he resisted. And now, he’s totally mad at me because he was hurt by me prioritizing my dreams.
FUCK. (sudden burst of hatred)
I? Selfish? Has he ever thought of it to himself? Keeping me chained to a choking relationship so he won’t be hurt? Letting go of my dreams for my family and for my future so he won’t be hurt?
Has he not seen that these dreams might be a new door for both of us? If I became successful, it might be better for us. Was he blinded of his own self-formulated suspicions?
So I must stop writing for this contributes to my hatred. But I do miss him. Us. But I am not ready. And so he is.
And he still frustrates me.
I’ve been staring at this website for one week. Well, for 2 months actually. Things are up and down during the past few weeks. My boyfriend and I are quarreling most of the time. It’s my fault. I know it is.
The only thing that is constant is change. I am changing a lot. Everything seems to be too mainstream. Everything seems to be redundant. I want to find something new. Challenging. Exciting.
My crushes are long gone. AA? I realized that he’s a total asshole. Well, he has 3 girlfriends now and asking me to be his 4th. That was completely insane. I don’t know. Maybe it is natural for him. My boyfriend is a lot better than him. That’s what I realized. Because at least, my boyfriend is not a douchebag.
But as what I said a while ago, I changed a lot and still changing. I’m a the point of my life when I set my priorities. To serve my family after I graduate. There are lots of things that I want to do with them. And as this kind of thinking goes on, I realized that love is at the bottom of my list. Sacrifice.
Or maybe not. It’s just that I don’t think that my boyfriend really understands how I feel. Neither my plans. I dream of making a successful life for my family. I want to have a legacy. To be not a shit anymore. I want my family to be proud of me. That is it.
I am in awe of him when he told me that he is now contented of what he has. I am, really. I adore him of being that way. But having such kind of thinking in me makes me more away to my dreams. Deep inside, I am not contented. I have dreams. Big dreams. But he’s just there telling me to be contented. He’s there telling me to stop making such big dreams because I might end up failing. I am not afraid to fail. I am taking risks. For my family. and for me.
So is this what he calls as selfish?
I don’t want to leave him alone. I loved him. But i’m growing up. I can change but he doesn’t want me to. I feel like a prisoner. I need some space so I can grow for my own. So I can reach my dreams. But he ignores it. He wants me to stay.
I stayed. Well, physically yes but emotionally, no. I don’t feel happy anymore. I am trying hard to be happy. I tried. He told me to stay because he’ll die when I am gone. But I know everyday that our relationship lasts, it makes me feel more hateful to him. Hateful in a sense that I don’t feel myself anymore. I am pressured on how to act. He can’t wait. He doesn’t want to see me grow. Because he’s contented.
He always tell me that I shouldn’t blame him. I should blame myself because I keep on changing. I should blame myself for not being contented. For having big dreams. For making our relationship go to waste.
I did not want this to happen. I never knew this will happen. Maybe perfection came to me too early to the point that I got used to it and now I am finding something new. Our relationship was perfect, before.
I feel stupid for letting the one I loved most go away and hate me. I feel stupid in hating him the way I hate him now. But I do love him still.
I do love him for making every effort to bring things back to normal. I do love him for still loving me although I’m turning into a real shit in front of him. I will love him but not today. I have things to do. i will love him in the future. I am just afraid that maybe when that time comes, I am too late,
I need space for now. To grow and to breathe.
See you soon boyfriend. Very soon. I’m sorry.
Happy New Year!
Maraming nangyari sa araw na ito. Pero hindi ko muna ikekwento ngayon kasi feeling ko wala pang kwentang ikwento siya. HAHAHA.
Next time na lang din ako magkekwento ng mga nangyari habang vacation.
Hindi ko feel maging sobrang masaya ngayon. May mangyayari pa kasi bukas. Kung ano man yun, hindi ko rin alam. Kinakabahan ako kapag iniisip ko yun. Kaya bahala na.
I hope things will get clearer tomorrow. I’ll tell stories kapag medyo okay na ako.
Tapos na ang problema ko, so ready na akong ipost and blog post for December 5, 9 and 16 kasabay nito. Sana maintindihan mo ang progress ng pag iisip ko simula nung December 5 hanggang sa December 16, 2012. Salamat.
Ngayon palang, sasabihin ko sa’yo na may mga parte na masakit yung nasa blog ko pero intindihin mo sana na isang buong kwento ang mula December 5, 9 hanggang 16. Ayokong mag isip ka ng kung ano dahil hindi lang hindi mo natapos yung tatlo.
Salamat!
Birthday ngayon ng Papa ko at hindi ko pa siya binabati in any way. Hirap eh. Hindi naman kasi kami close.
Nag-b-blog ako ngayon kasi wala pa akong maisip isulat sa paper ko sa Marketing. Tsaka medyo natotorete na rin kasi ako sa Kpop ngayong araw kasi kanina pa ako nakaharap sa laptop tapos nagpapatugtog lang ako … kasi nga wala akong maisip na isulat.
Dahil nga naikwento ko na rin si AA nung nakaraang post ko, at dahil nga bestfriend and life “teacher” ko siya, pinabasa ko sa kanya yung Blog post ko nung December 5 2012.
Well, ngayon pa lang, sasabihin ko na sa’yo na sobrang against si AA sa Kpop and Grey fantasies ko. Haay. Hindi niya naiintindhan ang buhay fangirl.
I emailed him dun sa blog post ko kasi sabi niya gusto niya daw mabasa. Syempre hindi ko naman ibibigay lahat ng post sa blog ko sa yung nung December 5 nga lang yung ibinigay ko. Tapos eto yung response niya sa email ko:
Hi bevy. This is to inform you that I’ve read what you sent me. It was really funny at first cuz it is my first time to read about someone who is actually a fan of “fantasy” - a grey and a korean idol. It troubles me because I think that you have a very serious trouble if you’re basing your standards of a future husband or even a boyfriend on fantasy. Let me explain. Grey is only a fictitious character bev and the book itself reduces him into someone desirable in your eyes which makes him a fantasy. He is a character. Not a real man. He doesn’t exist in the real world. Honestly I’ve had my own “ideal girl” too and was able to get some of them into a relationship with me but they have their own down sides too and that “ideal girl thing only reflects one side of the coin- the desirable side. What I mean is if you are going to have your mr. grey as a goal in mind he is not a going to be as what he is in the book because that character would be subjected to HUMAN PLURALITY if emerged into the real world. The same goes for your korean pop star. He is still up there because he is just trying to constantly have an image which would sell him. C’mon bev you know about this you are a management student! It is called showbiz because his product is himself therefore what you is a product and not the real him! He do not exist bev. some attributes of him may but he won’t be as desirable as how he is in the real world.
So ayan. Dahil nga sa dami niyang trabaho, restaurant and construction materials supplier business, halos dalawang araw bago niya nasagot yung email ko. Syempre, na-touch naman ako dun kasi nga alam kong busy syang tao tapos naglaan talaga siya ng oras para sagutan yung email ko. Yun nga lang, feeling ko, kalahati lang dun yung talagang binasa niya HAHA. Yung mga part lang kasi na may ideal man ko yung ni-replyan niya. HAHA. Kaya sobrang halata na ayaw niya sa concept ko ng ideal man bilang tulad nila Grey at ni DongHae.
Actually, may point siya na fictional lang lahat ng ideal man ko. Ideal nga eh, d’uh. Pero umaasa kasi ako na makakahanap ako ng tulad nila. (Well, si DongHae, Ki-kidnappin ko siya para pakasalan ako tapos si Christian, magpapabrunette ako tapos ise-seduce ko siya para pakasalan niya ako tapos dalawa na sila. Then pwede na ako mamatay HAHAHAHAHA).
May napansin din ako sa mga nagdaang araw. I think AA is the combination of what I’ve been looking for. Well, hindi ko naman sinabi na Ideal man ko siya, pero for reality’s sake, siguro.
AA, like Christian Grey, is confident, well-groomed, handsome, intelligent, attractive, appealing, well-planned, focused, future-oriented, etc (long list at para malaman mo, magbasa ka ng Fifty Shades Trilogy). Pero para din siyang si DongHae, talented, ganda ng boses, very masculine. Yun nga lang, gaya ng mga fictional ideal man ko, masyado din siyang mataas. Pero hindi pa rin siya ideal para sa’kin. Real life near ideal man ko lang siya.
Hindi ko naman hinihiling maging kami pero sure ako na bago ako makaalis ng Ateneo, sasabihin ko sa kanyang crush ko siya. Sasabihin ko ‘yun sa huling araw na magkikita kami, pero hindi sa graduation. Para kahit magconfess man ako, alam kong hindi ko na siya makikita forever. Tsaka, isa pa, infatuation lang naman ito eh. Hindi naman talaga dahil mahal ko siya.
Yung tipong sobrang saya ko pag nandyan siya, nakakapagpabago ng mood kasi ang cute ng ngiti niya, tapos nakakadistract yung mukha niya kasi mukha talaga siyang artista (pero kahit hindi ko yun alam dati, crush ko na siya), ganda ng boses (lalo na pag nagp-practice siyang kumanta sa harap ko), tapos laging adrenaline rush pag biglaan siyang sumusulpot tapos lalapit sakin para lang mag-hi. Haay nako, kung babae ka, tapos close kayo ng super crush mo, maiintindihan mo ako.
Pero para sa’kin, yung pagkagusto ko sa kanya parang idol-fan relationship lang. Fan niya ako yun nga lang, hindi lang basta television appearance yung pagiging fan ko sa kanya. Hindi tulad ng kay Dong Hae na sobrang crush ko kasi infinite yung level ng kagwapuhan niya (mas gwapo siya kay AA, okay?) pero hindi ko naman talaga kasi kilala si Dong Hae. Mas kilala ko pa nga si Christian Trevelyan Grey eh. Si Christian, ibang usapan na. Kung papipiliin mo ako sa tatlo, syempre kay Grey na ako. HAHA. That mercurial and challenging guy made me so crazy.
Maraming mas cute kay AA – aminado naman ako dun, sus. Hindi naman diyos ng kagwapuhan si AA eh. Pero kasi pag nakita mo yung ugali niya talaga makikita na hindi lang basta itsura yung meron siya.
Masaya na akong tinatanaw siya mula sa malayo. Okay na akong binabatukan niya ako minsan dahil kay Dong Hae at Grey. Okay na akong pinapagalitan niya ako lagi kasi may singsing sa daliri at ayaw niya daw yun makita. Okay na akong tinuturing niya akong nene kasi ang bata ko pa daw bilang isang 3rd-year college. Okay na akong bigla siyang susulpot tapos hihilain ako sa kamay para lang samahan siya na mag-aral tapos magk-kwento ng kung ano ano. Okay na akong maging fan lang kesa naman iwasan niya ako dahil alam niyang crush ko siya.
Minsan, naiisip kong layuan si AA kasi dahil nga sa close kami, baka masyado akong mag daydream sa kanya. Pero sabi sa’kin nila Toni, bakit ko daw lalayuan? Edi mas nahalata naman daw ako.
Kelan ko nga ba huling naramdaman yung ganito? Wait. Baka hindi pa.
Naalala ko yung isang usapan naming ng mga bestfriends ko tungkol kay AA.
Gigi: What if, what if ha? Magconfess sa’yo ng love si AA?
Me: HAHAHA. Malabo yan, ano ka ba.
Toni: What if nga lang eh.
Me: Lalayuan ko.
Toni: Alam mo, nakakainis ka. Why naman?
Me: Hindi ko naman siya sasagutin kung sakaling manligaw siya eh
Gigi and Toni: Eh bakit nga?
Me: Kasi masyado siyang mataas. Hindi ko abot. Kaya nga kay Dong Hae nalang ako. Tsaka Malabo yan ano ba kayo. Wag niyo ko pakiligin ng wala sa oras.
Toni: Mataas? Weh? Parang hindi naman.
Me: Eh pano kung manligaw sa’yo si James?
Toni: Edi Masaya. HAHA. Sasabihin ko kami na agad.
Me: Pano si Myungsoo
Toni: Kabit lang si James.
Gigi: Grabe talaga ‘to oh.
(laughs)
Alam mo kung bakit feeling ko hindi na ako makakabalik? Kasi pano kung sa journey ko ng paghahanap sa sarili ko, makita ko si CHRISTIAN? Oh diba? Ang saya. Syempre siya na. Sus naman. O kaya naman pano kung magustuhan ako ni Dong Hae pag punta ko ng Korea? O makahanap ako ng kamuka ni Dong Hae? O diba? Actually, yun lang talaga yung dahilan. HAHAHAHA. Sobrang walang kwenta no? Kaya nga alam kong babalik at babalik ako kasi malabong mangyari na may pumalit kay boyfriend. Asa naman akong may Christian Grey at Dong Hae na magkakagusto sa akin. Hindi naman ako naghahanap talaga, pero what if diba? HAHA. (Si AA? Sus, wala yun. Happy crush lang yun. Ngayon lang yan habang college ako. May expiration date na siya sa’kin)
Kasi yung dreams ko naman para kay Boyfriend yun eh. Alam mo yun, pag naging successful ako, gusto ko maisip niya na kailangan meron din siyang dream na gustong abutin gamit yung sarili niyang kakayahan. Yung hindi lang basta “okay na yan”. Gusto kong mainspire ko siya na hanapin yung sarili niya kasi kung ganito lang ako – kami, walang mangyayari. Sabi ng isang sikat na billionaire, hindi kasalanan ng magulang mo na nabuhay kang mahirap, kasalanan mong mamatay ka ng mahirap. Kaya eto ako nag-iisip ng paraan para maging successful sa buhay.
Ngayon, sa palagay ko, mas naging mas malinaw sa akin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit gusto ko hanapin yung sarili ko. At least hindi na ganun kagulo yung utak ko.
Problema ko nalang kung pano maiintindihan ni boyfriend ang ganito. Sa tingin ko, mali rin yung sinabi ni AA sa email ko. Hindi naman ako dina-down ni bf eh. Why should I totally let him go? Siguro, sa ngayon, i-le-let go ko siya, para matupad yung gusto ko mangyari, pero babalik ako (kung walang Grey at DongHae) HAHAHA.
In fact, sa conclusion ko ngayon ngayon lang, nalaman ko na siya at siya parin yung dahilan kung bakit ko ginagawa ‘to.
So I think this is where my dilemma ends. Sana boyfriend, maintindihan mo ako. Mahal kita. Mahal na mahal kita.
Clarification: Hindi ko mahal si AA, okay? (Alam mo ang boundary ko ng crush at love pero exempted dun si Dong Hae at Christian HAHA) Inspiration ko lang si AA kasi successful siyang tao tsaka ang gwapo niya at parang ang perfect and super confident niya. Marami akong natututunan sa kanya sa buhay. No issues, okay? Bow.
Gulung-gulo na ako. There’s a part of me that makes me want to let him go and find myself but there’s this strange force that keeps me holding back and not to let go. Achieving my dream is not easy and I am fully aware of that. Sobrang daming sacrifices na mangyayari kung sakaling i-pursue ko yung dream ko at natatakot ako, ngayon palang, na baka yung mga pag sacrifice ko, pag sisihan ko din sa huli. Takot ako na kapag hindi ako nagtagumpay sa kung ano man ang gusto ko mangyari sa sarili ko, mawala na rin lahat sa’kin. Achieving my dream is equal to leaving one of the most important things in my life – my almost 7-year boyfriend. Well, not actually leaving as in totally aalis, pero hindi ko rin kasi alam kung makakabalik pa ako. Yung magkamit ko sa pangarap ko means that I am opening all the possiblities in my life, taking life’s chances and opportunities para ma-achieve ko yung pangarap ko – para makilala ko yung sarili ko. Yung pagkilala ko sa sarili ko ay yung paraan na hindi ko rin sure kung may patutunguhan o wala. Sa madaling sabi, this is a very risky choice for me where I am travelling the road less travelled in my life. Gusto kong lakbayin yung mga limitasyon ko – ano ang mga kaya at hindi ko kayang gawin. Gusto ko ng thrill sa buhay ko. Gusto ko ng challenge. Gusto ko makilala pa yung sarili ko sa paraan na bago. Sawang sawa na akong makilala yung sarili ko sa pamamagitan ng ibang tao. Sawang sawa na ako na pilit kong ikinukumpara yung sarili ko sa mga taong nasa paligid ko – kung ano yung mga bagay na kaya nilang gawin at hindi ko kaya – na sa huli, nakikita ko sa sarili ko na wala akong kayang gawin tapos mawawalan ako ng kumpyansa sa sarili at mawawalan ng pag asa na abutin pa yung mga pangarap ko. Gusto kong lumakad ng wala akong sinusundang kahit ano o hindi ako nakikilala bilang isang anino ng isang tao. Gusto kong makilala dahil sa sarili kong kakayahan, sa sarili kong galing. This Bev right now is not enough for me.
Nahihirapan akong mag isip kung ano ang pipiliin ko. Hindi naman madali sa akin ‘to na parang pagbili ng candy sa isang tindahan. Para akong naghahanap ng isang karayom na nawala ko sa loob ng isang malaking mall dahil iniisip ko na kung hindi ko ‘yon mahanap, may masasaktan dahil sa’kin. I hate being this stupid in terms of life’s choices. Nahihirapan akong magdesisyon para sa sarili ko kasi alam kong may mga taong masasaktan. I can’t just let go of I have right now. Sobrang tagal kong naghintay para mahalin ako ng taong matagal ko ng mahal tapos eto ako ngayon, nag iisip kung dapat ko ba siyang iwan dahil may mga pangarap ako – hindi lang para sa’kin kundi para sa pamilya ko. Ang tanga no? Ang tagal tagal kong inantay tapos iiwan ko rin pala. Kung alam ko lang na ganito din ang mangyayari balang araw, dapat noon palang pinigilan ko na yung sarili kong hintayin ang pagkakataong bumalik siya sa’kin.
Alam mo ba yung sabi nila na kapag patuloy kang naghahanap ng pinakamagandang bato, may possibility na makakaligtaan mo yung diamond na napulot mo kasi patuloy kang naghahanap ng mas maganda pa rito. At kapag na-realize mo na yun na pala ang pinakamaganda, saka naman iyon mawawala. Feeling ko, ako yung naghahanap ng magandang bato – ang pinagkaiba nga lang, sa tingin ko, nahanap ko na yung diamond pero parang kusang loob ko siyang itinatapon. Pero isa pang problema, hindi kasi bato yung problema ko … tao ‘to – nagmamahal, nasasaktan.
Tinanong ko ang isa sa mga kaibigan ko kanina dahil na kwento ko na parang hindi ko nahahanap ang sarili ko dahil sa sitwasyon namin. Sabi niya sa’kin na “Bakit tingin mo ba kaya niyang maghintay ng ganyan katagal? Ma-di-distract din yun. Makakahanap din ng bago. Parang hindi mo naman kilala si *insert name of my boyfriend*”.
Actually, wala namang masama sa sinabi ng kaibigan ko. Feeling ko mas magiging magaan ang pakiramdam ko kung sakali ngang totoo na makakahanap siya ulit ng taong totoong magmamahal sa kanya at yung mamahalin niya kasi hindi ko alam kung makakabalik pa ako kung sakali mang abutin ko na yung mga pangarap ko. Of course I want him pero hindi ko kayang makita na masaktan siya dahil sa isang walang kwentang taong gaya ko.
Gusto kong gawin yung pangarap ko para sa’kin, sa pamilya ko at sa kanya. Pero alam ko naman na sasabihin niya sa’kin na hindi niya kailangan pa nun, pero ako kasi, kailangan ko. Kailangan ko kasi dito ko makikilala yung sarili ko. Gusto kong ipagmalaki ako ng mga magulang ko balang araw. Gusto kong mabawi lahat ng kasalanan ko sa kanila kahit sa paraan na kahit ako mismo, hindi ko alam. Sabi ko naman sa’yo, I’m sacrificing things because of this. Pero naniniwala pa rin naman ako na kung talagang para kami sa isa’t isa, ano mang mangyari, pagdating sa huli, kami pa rin. Mahirap nga lang tanggapin na bago ko pa malaman kung kami nga, kailangan kong magdesisyon ng ganito. At natatakot din ako na baka pag dumating na yung oras na ma-realize ko na kami para sa isa’t isa, siya naman yung mawala.
Kahit siya rin naman siguro, kung sakaling malaman na niya kung ano talaga ang gusto niya sa buhay, darating at darating din siya sa puntong ganito. Kung matapang ka, sumubok ka … pero kung duwag kang katulad ko, mangayayari talaga ‘to sa’yo. Pero ang problema, sa oras na tinalukuran mo yung mga pangarap ko, alam ko na buong buhay kong pag sisihan ‘to. Buong buhay kong nanaisin na hanapin yung sarili ko at sa pagkakataong ganon, mapupunta at mapupunta pa rin ako sa ganitong sitwasyon.
Kung sakali mang makabalik ako – kami, gusto kong bumalik nang buo ako. Na kilala kung sino ako at ano ako. Gusto kong bumalik na tanggap ang sarili ko, happy and contented.
Sabi sa’kin ng isang DJ sa radyo sa isang beses na kinausap ko siya sa isang social media site, “Kung mahal ka nya talaga, maiintindihan at maiintindihan ka niya. Maghihintay siya sa’yo kahit gaano ka pa katagal. Ngayon, kung hindi ka sigurado sa sarili mo kung babalik ka pa, edi pakawalan mo na. Wag mong paasahin. Mahirap yung naghihitay tapos hindi naman pala sigurado.”
Minsan na din niya (boyfriend) akong nasabihan na masyado akong makasarili. Well, I guess I am. Lalo na ngayon na sa tingin ko, naiisip niya na puro sarili ko na naman yung iniisip ko. Siguro nga. Siguro nga totoo.
Natanong ko na to kay AA (campus crush ko/ bestfriend) habang naglalakad kami sa loob ng school. Sabi ko sa kanya na kung hindi ba makasarili ako kung sakaling ito nga ang piliin ko. Sabi niya, “No Bev, Listen. Finding your life’s purpose is not self-centric. Being self-centered is not thinking of what others might feel about your decisions or even regarding them on your decisions at all. Look at yourself now, are you disregarding them? No, I don’t think you are. On your journey in life, there are people who are going to let you down to make theirselves rise for their own good. Let go of those people who let you down then move on Bev.”
Actually madami pa siyang sinabi pero ayan lang yung natandaan ko. I consult him kasi he’s more experienced than I am. 21-year old, dating ABS CBN actor, had more than 3 ex-girlfriends, a businessman (running his own restaurant and construction materials business from his savings). Mas may alam siya kaysa sa’kin in life – living in and out of the camera. Impressive, right?
Inspiration ko si Christian Grey pero kung sa totoong buhay, si AA ang inspiration ko sa paghahanap ng mga limitations ko. He earns from his own hardwork. Very planned and rational. Marunong magdesisyon para sa sarili. He knows his abilities, his wants. Focused in both studies and business. Goal-oriented. Pero kahit na ganito na siya, he stays funny and humble.
If I would be given a chance to be somebody else, aside from Kpop, I want to be him. Gusto ko malaman yung feeling ng successful ka sa buhay mo, nakakatulong sa family at may sariling pangarap tapos inaabot yun ng paunti unti. Galing niya, hanga ako. Sobrang malimit lang kasi sa tao ang ganun – yung may lakas loob na alamin kung ano at sino ka ba talaga. Discover your life’s purpose then make it in a good use. Yung alam mong may future, may pangarap na makatulong sa sarili at sa ibang tao. May pangarap na aabutin kahit ano mang kapalit. Gusto ko maging siya. Kahit isang araw lang, masaya na siguro ako.
Mahigit isang oras kong isinulat ‘to. Haay. Pero ngayon, naging mas malinaw na muli sa akin kung ano ba talaga ang gusto kong makamit balang araw.
Malamang ito rin yung dahilan kung bakit ko laging tinatanong, “Ano ba ang pangarap mo?” kasi noon hindi pa ako nakakahanap ng taong may pangarap tapos gumagawa ng paraan para mangyari yun. Pero ngayon, nagpapasalamat ako kay AA for an inspiration. Kung kaya niya, kaya ko rin.
Actually, hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ngayon pero I feel like doing it so.. ta-dah.
I’m in a situation where I never imagined before. Sobrang walang kwenta kung hindi mo nararanasan pero ito talaga yung bumabagabag sa’kin this whole time. Isa rin itong dahilan kung bakit last month pa yung huli kong post … kasi ayoko munang mag-jump into conclusions.
Naiipit ako sa sitwasyon kung saan yung fantasy and real world ko ay parang nagkakasabay at nagsasama … sa hindi magandang paraan (ata). Ano ano ba ang sinasabi kong ‘fantasy’ and ‘real’ world?
My fantasy world, aka second imaginary near ideal life, ay yung mundo ko bilang isang Kpop and Grey fangirl. Bilang isang fangirl, napapansin ko na tumataas ng tumataas yung batayan ko ng ‘ideal man’ LALO NA NUNG DUMATING SI GREY. As in, !#@##&*@&(*%# my future husband expectations is too DAMN high. Dati, okay na ko kay Lee Dong Hae eh (kahit na siya parin ang ideal korean man ko) pero nung dumating si Grey sa ‘my second imaginary near ideal life’ para bang nawala yung harang ng fantasy and real world ko. Gaya nga ng huli kong post (which was last month) Grey is mercurial. Fifty Shades — let alone that kinky fuckery that he’s doing. Minsan, naiisip ko na mag-apply kaya ako sa malalaking company just to find a Grey-like ideal man. Alam mo yun. Kung nabasa mo yung libro, maiintindihan mo ko.
Christian ‘my future second life husband aside from Dong Hae oppa’ Trevelyan Grey followed me on twitter. At dahil dun, mas lalo akong na-adik sa kanya. He’s not perfect perfect but perfect near ideal na. That mysterious guy made me crazy (kahit na alam kong hindi talaga siya totoo). Pero everytime na inuulit ko yung book, meron akong feeling na parang totoo talaga siya .. at hindi imposibleng mangyari sa totoong buhay. (pero d’uh asa naman akong may magkakagusto sa katulad ko na katulad ni Christian Trevelyan Grey). At dahil nga dito, sa pagtaas ng expectations ko, nagsimula yung realization of my messy real life.
Okay aaminin ko na. After reading Christian Grey and his Fifty Shades and his mercurial attitude, i felt like my real life was a total nonsense and a mess. Nag iisip ako na mahanap si Christian Grey, o di kaya, maging katulad nalang si Christian Grey. Bakit? Kahit na sabihin mang mahina siya inside, nakaya niya maging isang successful na tao. At iyon yung pangarap ko. Maging isang successful na tao na feeling ko wala na kong hihilingin pa. I can get things in an instant. I can control things and make them work the way I want them to be. Pero at the same time, I want to be controlled. I want to feel loved pero not that disney-like lovelife anymore. Ano ba, malaki na ako. Let’s face reality. Wala naman talagang instant prince charming na magliligtas sa’yo sa dragons blah blah then marry you after one kiss then end. Ano ba. Hindi natatapos ang lahat sa marriage. Look forward. Tapos ano? Kahit na sabihin ko mang mala-fairy tale-ish ang lovestory ni Christian Grey. Ana saving him from love problems, then Christian asked her to marry him .. pero nakikita yung afterstory. They made it because they’re both practical.
Simula nung bata ako, pangarap kong magkaroon ng sariling building … business, I mean. And thanks to Christian Grey for reminding me that. Gusto kong isang maging successful na tao pero hirap akong gawin yun dahil feeling ko hindi ako capable. Insecurities, lack of knowledge, lack of self-confidence. Hindi ko kayang maging katulad ni Christian Grey na alam sa sarili niya na he looked fucking hot kahit sobrang laki ng responsibility na nakaharap sa kanya. THAT CONFIDENCE. THAT STAND VIEW. I WANT THAT. Kaya gusto kong maka-meet ng katulad ni Grey para alam ko kung paano tumingin sa ganoong angle ng sarili ko. Isang taong marunong magturo kung pano ko makakayanan na tanggapin yung sarili ko bilang isang taong may sariling pag iisip, sariling desisyon, sariling paninindigan. Siguro ayun yung nagustuhan ko kay Grey. (habang sinusulat ko ‘to, mas nagiging malinaw sa’kin ang lahat kung anong gusto kong gawin sa buhay ko). Si Grey? Ang galing niya. Controlling people, making them work for him. His abilities … yun yung alam mong may magandang patutunguhan yung buhay mo. Life is not worth living kung hindi mo ginagawa ang lahat para abutin ang mga pangarap mo. Christian made it. Maybe i can do it too. Pero hindi ko alam kung paano.
Feeling ko, ang mga nangyayari sa real life ko ang pumipigil sa’kin para abutin ang mga pangarap ko. Nahihirapan akong mag-move forward kasi alam kong may mga taong malapit sa puso ko na masasaktan. It can’t do it that way. Ayokong ibaba ang mga taong nasa paligid ko para lang tumaas ako. Nahihirapan ako kasi alam ko na baka pag tinuloy ko yung mga pangarap ko, mawala sa’kin yung mga taong importante sa’kin. I hate being left and i hate the feeling of leaving someone like they did to me before. Masakit. Mahirap lalo na kung feeling mo sakanila naka depende yung buhay mo. Naranasan ko na ‘yon dati at ayokong may taong makaranas nun. That’s where my fantasy and real life collides. Minsan, naiisip ko na sana pwede kong ibalik ang lahat sa unang araw na ipinanganak ako. Tapos turuan yung sarili ko kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin.
I have oceans of regrets. Pero masaya din naman ako na naging ganito ako kasi kung hindi dahil sa mga ito, hindi ko maiintindihan lahat ng mga bagay na sinasabi ko ngayon.
Sino bang hindi gustong maging perpekto? O maging malapit man lang sa perpekto?
Ikaw, mas pipiliin mo ba na abutin ang pangarap mo habang nasasaktan ang mga tao sa paligid mo o manatili na lang sa buhay na tingin mong hindi ka natututo, hindi ka lumalaki para lang mapanatili yung mga taong mahal mo?
Ito yung mahirap ipa-intindi sa mga taong mahal ka lalo na kung pilit ka nilang nilalagay sa isang kahon para masabing mahal mo rin sila. Ngayong lumilinaw sa akin ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko, mas nagiging maliit yung chance na maintindihan ako ng mga taong malapit sa’kin. Nagiging mas mahirap para sa’kin. Natatakot akong gumawa ng desisyon kasi alam ko na pag nagsabi ako ng totoong nararamdaman ko, magbabago ang lahat and I can’t take it back. Ayokong gumawa ng mga desisyon na alam kong pagsisisihan ko rin sa huli. Hindi ako ganoong kalakas na tao para kayanin pa yung karagdagang regret sa buhay ko. At dahil dito, i feel deprived of my own life.
PS: Ang haba pala ng blog post ko, to think na ito ang problema ko at naging dahilan kung bakit hindi ako nagpopost nung ibang araw kasi pinipilit kong sagutin yung tanong ko. Tapos natapos ng wala lang din ulit? Haay. Dapat nag aral na lang ako ng finance. Hindi ko pa rin nasagot yung problema ko. Hindi katulad ng iba kong blog post na may conclusion na ako sa huli. Haay.
Nasabi ko na bang paborito ko ang magbasa? Mahilig akong magbasa ng gawa ni Stephen King. Hindi dahil horror siya at iyon na lang ang pambawi ko sa matinding takot ko sa horror, kundi napapaisip kasi ako nito kung ano ang mangyayari kada matatapos ko ang isang chapter ng kanyang mga libro. Ganun ko nakikita kung maganda ba ang libro o hindi — yung kakayahan nitong paglaruin ang isip mo kung ano ang mangyayari sa hinaharap ng kwento. Hindi sa lahat ng novels ay ganito ako, at isa yung palatandaan na hindi ako interesado o hindi ako nakakarelate o mas matindi, hindi ko naiintindihan.
Malakas ang impact sa akin ng mga librong binabasa ko. Minsan, (dahil horror at thrillres nga ang mga katha ni Stephen King) napapanaginipan ko pa ito. O kaya naman, naglalaro sa utak ko na isa rin akong parte ng istorya.
Bakit ba ako nagtatagalog? :| Hayaan mo na. Nasimulan ko na eh.
Pero hindi talaga si Stephen King ang gusto kong pag-usapan dito. Kundi ang trilogy ng FIFTY SHADES OF GREY.
KUNG AKO SA’YO, BASAHIN MO MUNA YUNG LIBRO PARA MAKA-RELATE KA SA MGA SINASABI KO. :D MASAYA SIYANG BASAHIN. ♥
sabi nila, ang FIFTY SHADES OF GREY daw ay isang kwento (na may tatlong libro) na ginawa ng isang Twilight fan. Dito nya raw ibinase ang istorya, ang pinagkaiba nga lang, walang vampires, walang werewolf at iba ang characters.
Well, actually, para sa’kin, iba lahat.
Ang FIFTY SHADES OF GREY ay isang istorya na puno ng erotic scenes. halos 80% ng kwento ay ang sex scenes ng mga bida — Christian Grey at Anastasia Steele. Kasabay nun ay ang paglabas ng katotohanan kung sino ba talaga si Christian Grey sa likod ng kanyang perpektong aspeto at yaman.
Pero hindi ko sinasabi na nagustuhan ko ang kwento dahil dito. Ang librong ito kasi ang nabigay sa’kin ng mas malawak na depenisyon kung ano ba talaga ang Ideal Man ko.
CHRISTIAN GREY. Yan ang pangalan ng bidang lalaki sa kwento. Isang Control Freak. MANLY pero playful. Kayang magbago bago ng mood at kayang baguhin ang mood mo sa tingin pa lang.
Aaminin ko na sa buong istorya, hiniling ko na sana ako nalang si Anastasia Steele. Kasi gaya niya, gusto ko ring maramdaman na ako yung nagpabago sa buhay ng taong mahal ko. Parang si Christian — from dark to light, from saddist to lover. Yun na siguro yung pinakamasarap na pakiramdam na pwedeng maramdaman ng isang babae — yung sabihin niya sa’yong ikaw ang nagbago ng buhay niya in a good way. At hindi lang basta sinabi — nakikita mo rin sa efforts niya na ginagawa niya lahat ng paraan para magustuhan mo rin siya.
Isa pang nagustuhan ko kay Grey ay yung pagiging dominating niya. Isa syang taong gustong kontrolin ang lahat. Kahit sa mismong pagkain at pagtulog ni Steele. Gusto ko yung challenging niyang personality. Gusto ko yung “breath-taking” gaze niya. Gusto ko ng thrill.
Yan kasi yung mga bagay na hindi ko nararanasan sa lovelife ko ngayon. Sa totoo lang, mas gusto ko pag feeling ko na dominating yung boyfriend ko. Mas manly pero may sweet side pa rin. Hindi rin kasi complicated ang personality ni bf. Madali kong nalalaman kung ano yung nararamdaman niya.
Isang fictional character ang bumabagabag sa kalooban ko ngayon. HAHA. Ngayon ko lang din naman nalaman na gusto ko pala ang komplikadong tao — Christian Grey.